Updated date:

Aligamgam (A Poem About Uncertainty)

Nanalangin ng panalanging walang kasagutan.

Nasaksihang sa laot inanod kasabay ng alon.


Nasaid bawat saro ng hinagpis at kabiguan,

ngunit itinangis lang rin tulad ng luhang naipon


Humiling ng kahilingang hindi natupad,

subalit kisapmatang naglaho kasabay ng dapit-hapon


Marahil ang buhay nga'y hindi sigurado.

Na ang oras mo sa oras ko, madalas ay hindi sangayon


Sa pagtahak sa daan, hinanap at inalam

kung paanong ang tula ay wawakasan


Sa papel isinulat yaong damdaming nais kumawala.

Ngunit tulad ng kandila, mga labi'y naubusan na ng salita


Lalim ng kaisipan ang syang naghatid sa hantungan-

na anumang bagay ang naisin mo'y walang kasiguraduhan


Kahit sa tadhana ikaw ay makipag-bunong braso,

ang mundo ay mahirap unawain- kailanma'y makadiwa


Maarang na tanggapin, katotohanang datapuwa aminado,

tutukan man ng malupit na kapalaran yaong sintido


Magtitiwala parin sa diwa ng mga payasong

alumpihit lamang ang layon


At patuloy parin yaring kaluluwang mamamangka

sa reyalidad na tinapalan ng samut-saring ilusyon


© 2021 Anne Mitz Escal

Related Articles